𝐒𝐚 𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚-𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨𝐧,

Magsasama-sama ang mga lingkod bayan, kabataang lider, mag-aaral, guro, at iba pang San Nicolanians sa kauna-unahang selebrasyon ng Larry Itliong Day na gaganapin bukas, Nobyembre 6, 2024 sa Municipal Gymnasium bilang pagkilala sa mga naiambag ni Larry Itliong, isang San Nicolanian at kilalang Pilipinong lider ng kilusang paggawa sa Amerika.

Tampok ang mga kilalang personalidad na sina award-winning journalist at documentarist na si Howie Severino at Broadway actor na si Miguel Braganza II sa pagdiriwang na may temang “Di Ka Pasisiil.”

Sa pangunguna ng Municipal Tourism Office at Larry Itliong Day Committee katuwang ang GMA Pinoy TV, isasagawa ang iba’t ibang aktibidad tulad ng Dap-ay Learning Circles, Public Speaking, Poster Making, Chalk Art, Storytelling Session, Baybayin Workshop, at Souvenir Booths.

Inaanyayahan ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang lahat na makilahok at makiisa sa espesyal na araw na ito upang alalahanin at pahalagahan ang diwa ng hindi pagsuko at paglaban para sa Karapatan tulad ng ipinaglaban ng kailian na si Larry Itliong.

#LarryItliongDayPH2024#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon