“Ang bawat batang San Nicolanian ay may karapatan sa isang de-kalidad na edukasyon, na kinabibilangan ng pagkakaroon ng access sa mga serbisyong inuming tubig, sanitasyon at kalinisan habang nasa paaralan.”
Ito ang naging pahayag ni Mayor Alice matapos pondohan ang 37.40 sq.m. washing facility with shed ng Sto. Tomas National High School na pinangungunahan ni 𝙋𝙧𝙞𝙣𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙇𝙖𝙧𝙧𝙮 𝘾𝙖𝙨𝙞𝙢𝙚𝙧𝙤.
Binigyang-diin ng alkalde na dapat matiyak na ang lahat ng mga mag-aaral ay naghuhugas ng kanilang mga kamay gamit ang sabon, may access sa inuming tubig, at binibigyan ng malinis at nakahiwalay sa kasarian na banyo sa paaralan.
Sa kaniyang pagbisita, nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng paaralan dahil suportado ni Mayor Alice ang WASH-in-School program ng Kagawaran ng Edukasyon.
#StoTomasNationalHighSchool#WashingFacilityWithShed#WASHInSchool#PromotingGoodHygiene#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride