Sinubok man ni Super Typhoon Pepito ang ating katatagan, nagpapasalamat tayo sa Diyos dahil tayong lahat ay ligtas at walang sinumang napahamak. Sa mga pagsubok na ito, napatunayan natin ang halaga ng pagkakaisa at pagtutulungan. Ang ating mga komunidad ay nagbigay ng suporta at lakas sa isa’t isa na nagpapatunay lamang ng ating pagmamalasakit at pagkakaisa.
Lubos ang aking pasasalamat sa mabilis na pagkilos at pagtugon ng MDRRMO sa pamumuno ni Mr. Shallom Gideon Balolong. Maraming salamat din kay Former Councilor Raymond Prestoza sa kaniyang dedikasyon at suporta. Isang malaking pasasalamat din sa United Kabalikat Civicom na patuloy na nagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa mga kaganapan na nangangailangan ng agarang aksyon sa pamamagitan ng kanilang radio communication.
Lubos ko ring pinasasalamatan ang mga Punong Barangay at ang kanilang mga Barangay DRRM teams na sa gitna ng mga pagsubok ay nagpakita ng tunay na liderato at malasakit. Sa kanilang mga kamay, ang mga plano ay naging konkretong aksyon, at ang mga pangarap para sa kaligtasan ay naging realidad. Karapat-dapat ding purihin ang bawat miyembro ng Municipal DRRM Council sa kanilang walang kapantay na dedikasyon at pagsusumikap, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos.
Pinapasalamatan ko rin ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, lalo na ang mga General Services, utility workers, electricians, at engineers. Maraming salamat sa inyong masigasig na paghahanda upang maiwasan ang pinsala ng bagyo at sa inyong patuloy na pagsisikap na ayusin at linisin ang ating kapaligiran.
Salamat, Panginoon, sa Iyong proteksyon at gabay. Ikaw ang aming kanlungan sa mga oras ng panganib, ang liwanag na nagbibigay ng pag-asa sa gitna ng kadiliman.
Mag-ingat po tayong lahat. Nawa’y patuloy tayong gabayan ng Poong Maykapal. Tayo’y magkaisa at magtulungan, hindi lamang sa panahon ng sakuna kundi sa araw-araw na hamon ng buhay. Sa ating pagkakaisa, makakamit natin ang mas maunlad at ligtas na komunidad.
~Mayor Alicia L. Primicias-Enriquez
#ResilenceInAction#SanNicolasMDRRMC
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride