Muling tatanggap ng social pension ang 2,244 senior citizens ng San Nicolas ngayong Disyembre 4 at 5 sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1.
Hinati sa dalawang batch ang mga benepisyaryo na tatanggap ng kanilang social pension stipend mula Oktubre hanggang Disyembre 2024 sa Municipal Gymnasium. Narito ang iskedyul ng pamamahagi:
Disyembre 4, 2024 (Miyerkoles)
08:30 AM-12:00 NN– Malico, Fianza, Calaocan, Cacabugaoan, Cabitnongan, Sta. Maria East, Sta. Maria West, Casaratan, Nagkaysa, at Sobol
01:00-04:00 PM–Población East, Población West, Nining, San Jose, Siblot, at San Roque
Disyembre 5, 2024 (Huwebes)
08:30 AM-12:00 NN– San Felipe East, San Felipe West, Dalumpinas, Salingcob, Camindoroan, Calanutian, Cabuloan, Camangaan, Lungao, Sto. Tomas, Salpad, Bensican, San Isidro, Malilion, San Rafael West, San Rafael Centro, at San Rafael East
Ang Social Pension Program for Indigent Senior Citizens alinsunod sa Republic Act 11916 ay isang programa ng gobyerno na nagbibigay ng buwanang stipend sa mga kuwalipikadong senior citizen na layuning matulungan sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at pangangalagang medikal, at protektahan sila mula sa pang-aabuso, kapabayaan, at pagkakait.
#SocialPensionProgram#IndigentSeniorCitizens#Payout#DSWDFieldOffice1#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride