𝐅𝐎𝐑𝐄𝐒𝐓 𝐃𝐖𝐄𝐋𝐋𝐄𝐑𝐒, 𝐇𝐔𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒, 𝐍𝐀𝐁𝐈𝐆𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐓𝐄𝐑𝐍𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐒𝐎𝐔𝐑𝐂𝐄 𝐎𝐅 𝐈𝐍𝐂𝐎𝐌𝐄
Mula sa pangako ni DENR Assistant Secretary for Enforcement Atty. Daniel Darius M. Nicer kay Mayor Alice na kaniyang susuportahan ang lahat ng hakbangin na makatutulong upang mabawasan at tuluyang masugpo ang forest fires sa bayan ng San Nicolas, tinulungan ang mga forest dweller at hunter na mabigyan ng alternative source of income sa pamamagitan ng skills training na Shield Metal Arc Welding at Electrical Installation and Maintenance ng TESDA.
Matapos mapinsala ang humigit-kumulang 300 ektaryang bahagi ng kabundukan noong Pebrero, nasa 53 forest dwellers at hunters ang pinagkalooban ng TESDA scholarship upang magbigyan ng pagkakataong malayo sa kanilang peligrosong trabaho at maisalba ang kabundukan mula sa mapaminsalang forest fires.
“Ang hakbanging ito ay isang alternatibong solusyon tungo sa pangangalaga at proteksyon ng ating likas na yaman sa bayan ng San Nicolas. Maraming salamat kina DENR ASEC Nicer, PENR Officer Raymond Rivera, CENRO OIC Rico Biado, at TESDA Provincial Director James Ferrer sa kanilang suporta upang mapabilis na pagproseso ng pondong kaloob ng DENR para sa pagsasanay,” saad ni Mayor Alice.
#DENR#ForestFires#ForestDweller#ForestHunter#AlternativeSourceOfIncome#Livelihood#Employment#ThankYouAsecNicer#SaTESDALingapAyMaasahan
#GreenInitiativesForABetterSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPrid