Bilang maagang pamasko, matatanggap na rin sa wakas ng mga mag-aaral na San Nicolanians ang kanilang pinakahihintay na educational assistance mula sa πππ¦ππ‘ππ₯πππ§π ππ¨π€ππ₯ π§π πππ§ ππ’ππ¨π₯ππ¬ na nagkakahalaga ng Php 6,500,000.00 at sa tanggapan ni ππ¨π§π . πππ«π₯π²π§ π. ππ«π’π¦π’ππ’ππ¬-ππ ππππ¬ na nagkakahalaga ng Php 4,000,000.00.
Bahagi po ito ng ating pagpupursigi na makapagbigay ng tulong pinansyal lalo na sa mga magulang na patuloy na itinatawid ang pag-aaral ng kanilang mga anak.
Nawaβy tanggapin po ninyong malugod ang aming munting regalo sa inyo at pagsikapang mag-aral nang mabuti upang makatulong sa inyong mga magulang at sa ating bayan sa hinaharap.
Ang college students ay makatatanggap ng Php 2,000.00, ang senior high school students ay tatanggap ng Php 1,500.00, ang non-4Ps na day care hanggang junior high school students kasama ang ALS learners ay makakakuha ng Php 1,000.00 habang Php 500.00 naman ang makukuha ng lahat ng estudyanteng 4Ps.
Php 1,000.00 naman ang tatanggapin ng 4Ps na SPEd learners habang ang non-4Ps SPEd learners ay tatanggap naman ng Php 2,000.00.
Samantala, ang 996 SHS learners na nakatanggap na ng TEP noon mula kay Cong. Marlyn Primicias-Agabas ay hindi na isinama sa ating assistance. Una, nakakuha na sila ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php 3,000.00. Pangalawa, liliiit pa ang Php 1,500.00 na kayang ibigay ng LGU sa SHS learners kung isasali sila.
Kabataang San Nicolanians, kayo ang pag-asa ng bayan ng San Nicolas kung kayaβt gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya upang iabot ang aming mga kamay at mas ilapit pa ang pamahalaang lokal sa inyong mga buhay.
Mamayang hapon ay ipo-post po namin ang mga pangalan ng mga makatatanggap ng financial assistance bukas. Basahing pong maigi ang venue at oras ng iskedyul ng pamamahagi upang hindi po kayo malito, kailian. Maraming salamat po.







~πππππ ππππππ π. πππππππππ-ππππππππ
#SupportToStudentsOfSanNicolas
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride