Isa na namang kailian natin mula sa Brgy. San Isidro ang nagpamalas ng angking kagalingan sa sining nang tanghalin siyang kampeon sa Likhang Pinta sa 12th National Performing Arts Festival sa Antipolo City.
Kilalanin ang 16-anyos na si Amber Freya Angeles, isang Grade 11 STEM student ng Tayug National High School, na lumikha ng isang pangmalakasang obra maestra na sumasalamin sa makulay na kultura ng Pilipinas.
Bata pa lang ay mahilig nang mag-drawing si Amber kung kayaβt sa kaniyang paglaki, pangarap niyang magtayo ng kaniyang sariling cafΓ© kung saan naka-display ang kaniyang mga likhang sining.
Malaking bagay din umano ang suporta ng kaniyang ina na simulaβt sapol ay nariyan upang gabayan siya at samahan sa pagsali sa ibaβt ibang kompetisyon.
Paalala niya sa mga tulad niyang nangangarap din, walang pangit na art. Magpatuloy lang sa mga bagay na ikasasaya at huwag iisipin ang sasabihin ng ibang tao.
Pagbati, Amber. Isa kang Dayaw Ti Ili a San Nicolas!
#DayawTiIli#Marahuyo#Sining#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride