Upang mapabuti pa ang kaligtasan ng mga motorista sa kalsada at mabawasan ang bilang ng road accidents, nag-install na ng rumble strips, pedestrian lanes, yellow lanes, at yellow boxes sa mga lugar na madalas mangyari ang aksidente sa bayan ng San Nicolas sa tulong ng Department of Public Works and Highways.
βIsa itong mahalagang hakbang patungo sa paglikha ng mas ligtas na kapaligiran para sa ating mga kababayan. Kaugnay nito, patuloy pa rin tayong nagpapaalala sa lahat ng mga motorista na maging disiplinado sa kalsada at iwasan ang pagmamaneho nang lasing upang maiwasan ang anumang aksidente,β saad ni Mayor Alice.
Ang mga rumble strips ay magbibigay ng abiso sa mga driver sa pamamagitan ng tunog at pakiramdam upang maiwasan ang pagkaligaw ng landas at banggaan. Ang pedestrian lanes ay magbibigay ng mas ligtas na pagtawid para sa mga naglalakad, samantalang ang yellow lanes at yellow boxes ay makatutulong sa tamang daloy ng trapiko at maiwasan ang ilegal na pagparada.
Patuloy na sinisikap ng pamahalaang lokal ng San Nicolas na gawing mas ligtas ang buong bayan, ngunit ang pagsisikap na itoβy mawawalan nang saysay kung hindi makikipagkaisa ang lahat sa hakbanging ito.
#SafetyFirst#RumbleStrips#PedestrianLanes#YellowLanes#YellowBoxes#DPWH#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride