Tinugunan ni Mayor Alice ang problema sa luma at lubak-lubak na daanan sa harap ng eskuwelahan ng Brgy. Camindoroan nang ipakongkreto ito sa tulong ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.

Ang nasabing proyektong na may kabuuang lawak na 29.70 m³ ay ginamitan ng mga sumusunod na materyales mula sa subsidya ng lokal na pamahalaan: 215 sako ng semento, pitong truckloads ng buhangin, 11 truckloads ng graba, at isang kilong G.I. Wire #16.

Bilang bahagi ng #MAYORALiceVISITS, siniguro ng alkalde ang maayos na implementasyon ng proyekto kasabay ng pagtitiyak na maayos ang kalagayan ng mga residente.

Samantala, nangako naman si PB Faustino Rodrigo at ang kaniyang barangay council na kanilang pagtutulungan na higit pang pagbutihin ang serbisyong inihahandog sa kanilang mga kabarangay.

#BarangayCamindoroan

#ConcretingOfBarangayRoad

#PavingPathsTowardsTheFuture

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon