𝐏𝐧𝐞𝐮𝐦𝐨𝐜𝐨𝐜𝐜𝐚𝐥 𝐚𝐭 𝐅𝐥𝐮 𝐕𝐚𝐜𝐜𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬

Matagumpay na naisagawa ang pneumococcal at influenza vaccinations sa ating bayan kahapon, Disyembre 16, dahil sa patuloy na pagsisikap ni Mayor Alice na mapabuti ang kalusugan ng bawat San Nicolanian.

Sa kabuuan, umabot sa 223 na indibidwal ang nakatanggap ng pneumococcal vaccine habang 316 naman ang nabigyan ng flu vaccine na nagpapakita ng sama-samang pagtugon sa panawagan para sa kalusugan.

Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Mayor Alice, isang doktor na may malasakit sa kalusugan ng kaniyang mga kababayan, katuwang ang mga dedikadong staff ng RHU at DOH, sa pangunguna nina MHO Dr. Francis Subido at Nurse Kay Calpatura.

Ang pneumococcal vaccine ay tumutulong upang maiwasan ang pneumonia at iba pang komplikasyon, habang ang flu vaccine ay nagbibigay ng proteksyon laban sa seasonal flu na maaaring magdulot ng seryosong sakit.

Hinihimok ang lahat na huwag palampasin ang pagkakataong makapagpabakuna dahil magpapatuloy ang ating vaccination program sa Municipal Grounds hanggang Biyernes hangga’t mayroong supply. Sa kasalukuyan, mayroon pang 367 na doses ng pneumococcal vaccine at 434 doses ng flu vaccine na available.

#KalusuganNgBawatIsa

#PneumococcalVaccine#FluVaccine

#VaccinationProgram

#ProteksyonLabanSaSakit

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon