100,000 pesos, a chance for a musical recording, and an international exposure opportunity!
Ilan lamang ‘yan sa napanalunan ng 10-anyos nating kailian na si Summer A. Pulido matapos siyang tanghaling Grand Champion sa Kids Category ng One Gaia Stage Quest na ginanap sa Skydome SM North Edsa, Quezon City nito lamang Huwebes.
Hindi sukat akalain ng batang mang-aawit na masusungkit niya ang kampeonato nang gabing iyon, ngunit dahil nagsanay siya nang maigi, nagtiwala sa Diyos, at ibinigay ang kaniyang buong puso nang awitin niya ang House of the Rising Sun, alam niyang sisikat ang araw para sa kaniyang singing career.
Matatandaang naging Daily Champion sa 2024 Tawag ng Tanghalan Kids at nakaabot lang sa Battle Rounds ng The Voice Kids Season 5 si Summer na noo’y 8 years old pa lamang, ngunit hindi umano siya pinanghinaan ng loob.
“Hindi po ako nalulungkot tuwing natatalo ako. Inspirasyon ko po iyon upang pagbutihin pa ang aking craft dahil alam kong mas may igagaling pa po ako tuwing nag-eensayo ako nang maigi. Salamat sa FAPMTC & Productions headed by Coach Roma dahil mas nahasa pa po ako sa pagkanta sa tulong nila,” aniya.
Malaking bagay rin para kay Summer ang suporta ng kaniyang mga magulang na ipinapaunawa sa kaniyang may mas magandang plano ang Diyos tuwing hindi siya nagtatagumpay sa kaniyang mga sinasalihang kompetisyon.
Bukod sa pagiging Grand Champion, qualifier na rin si Summer sa World Championship of the Philippines 2024 matapos siyang mapili sa SM Clark Pampanga at naisama na rin sa commercial ng Meralco’s Terra Solar Power, ang itinuturing na largest solar project sa mundo.
Patunay si Summer na ang bawat pagkatalo ay hindi basehan ng tunay na kakayahan. Ito ay isang mensahe lamang na may kailangan pang matutunan at matuklasan sa sarili ang isang hindi bumibitaw sa kaniyang pangarap.
Maysa ka nga dayaw ti ili, Summer Aguilar Pulido!
#DayawTiIli#PrideOfSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride