Ang pinakamagandang regalo na maibibigay natin ay hindi nakabalot sa magarang papel kundi matatagpuan sa mga simpleng gawa ng kabutihan na ipinapakita natin sa isa’t isa.
Sa panahon ng Kapaskuhan, ipakita natin ang tunay na diwa ng Pasko sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagtulong sa ating kapwa. Hindi mahalaga kung maliit o malaki ang ating naiaambag; ang mahalaga ay nagmumula ito sa ating puso. Ang bawat ngiti, simpleng tulong, at oras na inilaan para sa kapwa ay nagbibigay ng liwanag sa kanilang buhay.
Nawa’y ang liwanag ng Pasko ay magbigay ng init at saya sa inyong mga puso. Maligayang Pasko sa inyong lahat at nawa’y maging masagana at mapayapa ang ating darating na taon.
#MayorAliceSays#ChristmasInOurHearts#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride