Inaasahang magbibigay ng mas mabilis at epektibong pagresponde sa mga sakuna at kalamidad na maaring dumating sa bayan ang dalawang bagong sasakyan na binili ng Lokal na Pamahalaan ng San Nicolas.
Ipinagmamalaki ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang bagong biling mga sasakyan para sa disaster response at preparedness—Isuzu QRL77 Flexitruck at Powertrac (Sinotruk 4×2 14ft Cargo Truck Euro 2), na pinondohan ng DRRM Trust Fund at MDRRM Fund-Capital Outlay, ayon sa pagkakasunod.
Pinangunahan ni Ptr. Danny Caranto ang seremonya ng pagbabasbas na dinaluhan mismo ni Mayor Alice kasama sina Vice Mayor Alvin Bravo, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Municipal Councilors Amorsolo Pulido, Leomar Saldivar, Jun Serquiña, Jairus Dulay, Queen Descargar, Pedrelito Bibat, at IPMR Felixfrey Lorenzo, kasama ang mga driver ng mga bagong sasakyan.
#SanNicolas#RaisesTheBar#ForDisasterPreparedness#NewFleetofEmergencyVehicles#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride