Bagamat malamig ang panahon sa Brgy. Malico, mainit na sinalubong si Mayor Alicia Primicias-Enriquez ng mga residente sa pangunguna ni 𝐏𝐁 𝐒𝐚𝐧𝐝𝐲 𝐒𝐞𝐠𝐮𝐧𝐝𝐨 nang maghatid siya ng PamasCong Handog at Panagayat ni Dok bilang pasasalamat sa kanilang patuloy na pagsuporta at pagmamahal.

Umabot sa 759 holiday packs ang naipagkaloob sa mga residente na labis nilang ikinatuwa. Kasabay nito, nagbigay rin ng educational assistance sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang, medical mission sa pangunguna ng Rural Health Unit of San Nicolas kung saan may libreng flu at pneumococcal vaccines, vitamins, at maintenance medicines, pagkakaloob ng monobloc chairs mula kay Cong. Marlyn sa barangay hall, mga kapilya, at financial assistance para sa Christmas Party ng Barangay Council at Christmas Sports League ng Sangguniang Kabataan.

“Malaking bahagi ang Malico sa San Nicolas dahil isa sa mga dahilan kung bakit nakilala ang ating bayan dahil dito. Nais naming ipaabot ni Congw. Marlyn “Len” Primicias-Agabas at ng Sangguniang Bayan ang aming taus-pusong pasasalamat sa kanila sa munting paraan na makakaya namin dahil ganoon naming sila kamahal,” saad ni Mayor Alice.

#PamasCongHandog#PanagayatNiDok#Malico#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon