Upang mas mapataas pa ang kalidad ng edukasyon sa bayan ng San Nicolas, sumailalim sa pagsasanay sa Early Childhood Care at Development (ECCD) ang Internal Assessment Team na binubuo ng punong barangays, barangay nutrition scholars, barangay health workers, mga pangulo ng Parent-Teacher Associations, at mga kinatawan ng mga pampubliko at pribadong Child Development Centers (CDCs) at Learning Centers (LCs).
Umabot sa 180 participants ang nakilahok upang madagdagan pa ang kanilang kaalaman ukol sa tamang pangangalaga at pagtuturo sa mga bata, mga proseso ng pagpaparehistro at pagbibigay ng mga permit at akreditasyon ng mga pampubliko at pribadong CDCs at LCs, at pag-unawa sa mga pamantayan, alituntunin, at tagapagpahiwatig ng ECCD recognition tool.
Pinangunahan nina Former ECCD Focal Person Myrna Celeste, ECCD Focal Person Carla Cacatian, at Youth Development Officer I Rhea Jude Ferrer ng Provincial Social Welfare Development Office ang nasabing pagsasanay.
Pahayag ni Mayor Alice, “Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, masisiguro natin na ang bawat learning institution sa ating bayan ay may angkop na pamamaraan sa pagtuturo at sumusunod sa pambansang pamantayan.”
#ImprovingChildDevelopmentCenters
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride