Kinapapanabikan na ang pormal na pagbubukas ng bagong San Nicolas Public Market sa Enero 25 lalo pa’t isang napakalaking proyekto ito sa buong bayan na hatid ni Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas. Ngunit, paano nga ba unti-unting natupad ang pangarap at pangakong ito?
Sa ilalim ng pamamahala ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sinimulan noong Enero 2024 ang isang proyektong naglalayong magtayo ng isang modernong pamilihan na magbibigay ng mas maayos at komportableng lugar para sa mga vendor at mamimili—ang San Nicolas Public Market.
Masusing pinlano at ininspeksyon ng DPWH ang lugar upang masiguro ang kaligtasan at kalidad ng konstruksyon habang si Mayor Alicia Primicias-Enriquez naman ay nagsagawa ng sunud-sunod na inspeksyon upang tiyakin na ang proyekto ay sumusunod sa mga itinakdang pamantayan at timeline.
Kinailangang lumipat pansamantala ng market vendors sa Municipal Auditorium. Upang mabawasan ang kanilang alalahanin, mula Oktubre 10 hanggang sa kasalukuyan, ginawang libre ni Mayor Alice ang kanilang cash tickets na labis na ikinatuwa ng wet market at dry good vendors.
Kahapon, isinagawa ang inspeksyon sa finishing touches ng proyekto na pinangunahan ni Mayor Alice kasama sina Engr. Normandy Flores, Engr. Neil Alimorong, Engr. Rizalyn Patetico, at Economic Enterprise Officers Merla Bagasan at Delfin Enrico, limang araw bago pormal na buksan ang pamilihan sa publiko.
Dahil sa hindi natitinag na pangako ni Congresswoman Marlyn Primicias-Agabas, naging posible ang proyektong ito na tiyak na kinapapanabikan na ng lahat ng San Nicolanians.
“Nais kong ipahayag ang aking taos-pusong pasasalamat kay Manang Marlyn dahil natupad ang pangako niyang ito sa mga San Nicolanian. Hindi man naging madali ang proseso dahil kinailangang magsakripisyo ng ating market vendors ngunit ang lahat ng ito’y napawi na. Ang pagsusulong ni Manang Marlyn sa inisyatibong ito ay tiyak na magpapabuti sa kabuhayan ng ating mga kailian,” saad ni Mayor Alice.
#SanNicolasPublicMarket#AStoryOfAFulfilledPromise#SerbisyoaNaimpusoan#SeriesOfInspection#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride