Bilang pasasalamat sa malaking tulong ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa regular na tulong na hatid nito sa 𝐒𝐭𝐚. 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥, binigyang parangal ng paaralan ang LGU bilang No.1 Outstanding stakeholder.

Ang parangal ay tinanggap ni Mayor Alicia L. Primicias-Enriquez noong July 13, 2023 sa okasyon ng Araw ng Parangal. Mismong si SMNHS principal 𝐃𝐫. 𝐑𝐨𝐥𝐚𝐧𝐝𝐨 𝐂𝐚𝐜𝐚𝐲𝐚𝐧 ang nag-abot ng parangal habang lubos ang pasasalamat nito sa tulong ni Mayor Alice at ng LGU sa kanilang paaralan.

Itong nakaraan lamang ay nagpasalamat si Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte sa lahat ng sektor sa patuloy nilang pagtulong sa DepEd upang mapalakas ang programang Brigada Eskwela na ayon sa kanya ay napakalaking tulong sa mga paaralan sa buong bansa.

“Ang pagtutulungan ng mga magulang, guro, lokal na pamahalaan, at buong komunidad sa Brigada Eskwela ay nagbubukas ng mas malalim at makabuluhang pagtutulungan kahit hanggang matapos ang school year,” aniya.

Mula ng manungkulan si Mayor Alice noong 2019 ay regular na siyang naglalaan ng pondo bilang suporta sa edukasyon maliban pa sa mga proyektong kanyang inilalaan upang maisaayos at mapabuti pa ang pasilidad sa bawat paaralan sa bayan ng San Nicolas.

#SanNicolasLGU

#NumberOneBrigadaStakeholder

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon