Pinuri ni Mayor Alice ang lahat ng senior citizens sa bayan ng San Nicolas nang dumalo siya sa kanilang buwanang pulong sa Senior Citizen Building dahil sa pagkilalang natanggap nito sa Elderly Filipino Week 2024.
“Sa kabila ng inyong edad, napananatili ninyong aktibo ang inyong mga sarili sa mga aktibidad ng senior citizens. Maraming salamat po sa inyo at nawa ay patuloy kayong magsilbing inspirasyon ng kasalukuyang henerasyon,” saad ng alkalde.
Inihandog kay Mayor Alicia Primicias-Enriquez
ang sertipiko ng pagkilalang natanggap ng LGU San Nicolas para sa pagkakaroon ng pinakamalaking delegasyon sa Pangasinan Senior Citizens’ Convention na ginanap sa Lingayen, Pangasinan.
Tinalakay rin sa pulong ang mga nakalinyang programa, aktibidad, at iba pang mga concerns ng senior citizens mula sa iba’t-ibang barangay.
#FederationOfSeniorCitizensSanNicolasChapter
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride