“Pagyamanin ang mga pondong natanggap upang magkaroon ng mas magandang buhay at maging inspirasyon sa iba, at tulungan din silang magtagumpay sa hinaharap.”
Ito ang ipinaabot na mensahe nina Senators Pia at Alan Peter Cayetano sa 150 San Nicolanians na tumanggap ng seed capital fund sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program.
Tumanggap ng Php 15,000.00 ang mga benepisyaryo na kinabibilangan ng sari-sari store owners, rice retailers, vegetable vendors, at TESDA scholars na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan at pagsusumikap upang makamit ang mas maunlad na pamumuhay.
Dumalo sa seremonya sina Densch Arcadio, political officer ni Sen. Alan Cayetano; Matthew Ray Marasigan at Alfred De Vera, political officers ni Sen. Pia Cayetano; at Oyie Dimatulal, social media officer ni Sen. Alan.
Mula naman sa DSWD Region 1 ay naroon sina Ronald Gabriel, provincial coordinator Pangasinan II; Janice Nolido, PDO II SLP DSWD; Jacqueline Vidal, PDO II SLP DSWD; at Remark Junio, PDO II SLP DSWD. Kasama rin sa mga dumalo ang mgakinatawan ng LGU na sina Mayor Alicia Primicias-Enriquez, Vice Mayor Alvin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
#SustainableLivelihoodProgram#SeedCapitalFund#SenatorAlanPeterCayetano#SenatorPiaCayetano#DSWD#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride