Abot-langit ang saya ng 1,132 mag-aaral na nahandugan ng educational assistance ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez at ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.
Dinagsa ng mga magulang kasama ang kanilang mga anak ang San Roque Covered Gymnasium, San Jose Elementary School Covered Gymnasium, Sta. Maria Elementary School Covered Gymnasium, at Sta. Maria National High School Covered Gymnasium upang tanggapin ang tulong pang-edukasyon para sa pag-aaral ng mga Kabataang San Nicolanian.
โHindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ng puso ko habang nakikita sila, nakakakamayan, at nayayakap. Totoong ang maliit na bagay na itoโy malaking biyaya na para sa ating mga kailian,โ saad ni Mayor Alice.
#EducationalAssistance#TulongDunong#LGUSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride