Upang mas mapabuti ang ani ng mga magsasaka at mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa San Nicolas, namahagi ang lokal na pamahalaan ng butil ng sibuyas.
Sa kabuuan, 52 lata ng butil ng sibuyas na may timbang na 400 gramo bawat isa ang naipamahagi sa 26 na magsasaka, na tumanggap ng tig-dalawang lata.
Ang pamamahaging ito ay bahagi ng programa ng lokal na pamahalaan na naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka.
Pinangunahan ang pamamahagi nina Mayor Alicia Primicias-Enriquez at Engr. Cristopher Serquiña, municipal agriculturist, sa isang simpleng programa sa Municipal Grounds.
Ang mga butil ng sibuyas ay inaasahang magbibigay ng mataas na ani na magdudulot ng mas magandang kita para sa mga benepisyaryo.
#OnionSeeds#SupportToFarmers#DepartmentOfAgriculture#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride