Bilang bahagi ng #MAYORALiceVISITS, nagtungo si Mayor Alicia Primicias-Enriquez sa Brgy. San Isidro upang masiguro ang maayos at wastong implementasyon ng farm-to-market road na itinuturing na biyaya ng mga magsasaka.
Ang nasabing proyekto na may habang 66 metro, lapad na tatlong metro, at kapal na 0.15 metro ay pinondohan ng lokal na pamahalaan at ginamitan ng mga sumusunod na materyales: 215 sako ng semento, pitong truckload ng buhangin, 11 truckload ng graba, at isang kilong G.I. Wire #16.
Ang pagbisita ng alkalde sa barangay ay naging pagkakataon para kay ๐๐ฝ ๐ผ๐ก๐ก๐๐ฃ ๐๐๐๐๐ง๐๐ ๐. ๐๐ช๐ฏ๐๐ฃ๐ค at sa kaniyang barangay council na iparating ang iba’t ibang prayoridad na suliranin ng kanilang mga nasasakupan, gayundin ang kanilang pasasalamat sa mga tulong na ibinigay ng lokal na pamahalaan sa kanilang barangay.
#BarangaySanIsidro#FarmToMarketRoad#BarangaySubidy#ConcretingHopesAndDreams#MayorAliciaPrimiciasEnriquez
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride