Upang matiyak ang ligtas na tawiran sa ilog at mas madaling akses patungo sa pangunahing kalsada, tinugunan ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang kahilingan ng mga residente ang kanilang hiling na steel footbridge sa Zone II ng Brgy. San Felipe West.
Sa kaniyang pagbisita, nasaksihan ng alkalde ang kasiyahan at pasasalamat ng mga residente sa pangunguna ni 𝙋𝘽 𝙅𝙤𝙚𝙡 𝘾. 𝘽𝙖𝙧𝙩𝙤𝙡𝙤𝙢𝙚, na nagtipon-tipon upang ipakita ang kanilang suporta sa naitayong tulay
Bilang isang simbolo ng kanilang sama-samang pagsisikap at determinasyon, ang nasabing proyektong ito ay isang mahalagang hakbang sa pagpapabuti ng kaligtasan at mobilidad sa Brgy. San Felipe West.
“Bukod sa mga magsasaka, mapapabilis at mas ligtas na ang pagtawid ng mga residente lalo na iyong mga papasok sa paaralan at trabaho at luluwas sa bayan,” masayang balita ni Mayor Alice.
#BridgingTheGapsForABetterSanNicolas
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride