Ang pag-ibig ng Diyos ay walang hanggan at walang kondisyon at ito ang nagbibigay sa atin ng lakas at inspirasyon upang magmahal ng walang kapalit.
Nawa’y alalahanin natin na tayo’y minamahal ng Diyos. Ang pag-ibig na ito ang ating sandigan at gabay sa ating bawat kilos at salita. Tayo’y tinawag upang ipakita ang Kaniyang pag-ibig sa ating kapwa—sa ating pamilya, mga kaibigan, at maging sa mga taong hindi natin kilala.
Sa gitna ng mga pagsubok at hamon, nawa’y maging ilaw ang pag-ibig ng Diyos sa ating buhay. Nawa’y palagi nating pahalagahan ang pag-ibig na ito at ipahayag ito sa ating mga gawa.
#SundayInspiration#GodLovesUs#HeFirstLovedUs#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride