Sa layuning higit pang mapagtibay ang samahan ng mga vendor at pagandahin ang mga serbisyong inaalok sa mga mamimili ng San Nicolas Public Market, nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng San Nicolas Pangasinan Business Sector Association Inc. (SNPBSAI)

Bilang patunay sa layuning ito, nanumpa ang mga opisyal sa harap ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez na nagbigay-diin sa kahalagahan ng katapatan, responsibilidad, at ang pagbibigay ng buong pusong serbisyo para sa ikabubuti ng kanilang mga mamimili.

Nangako ang SNPBSAI na pag-iigihin ang kanilang mga tungkulin at ipagpapatuloy ang mga aktibidad at adhikaing nagtataguyod sa kapakanan ng mga nagtitinda at mga mamimili.

Narito ang mga opisyal ng SNPBSAI mula Enero 1, 2025 hanggang Disyembre 31, 2027:

Virginia S. Baltazar (Pangulo), Ralph Renz P. Rodrigo (Pangalawang Pangulo), Alyssa R. Palma-Sabinay (Kalihim), Charlyn M. Bedaña (Pangalawang Kalihim), Andrea R. Palma (Ingat-yaman), Emilia M. Doton (Pangalawang Ingat-yaman), Amalia S. Rilloma (Auditor), Julie V. Bedaña (Auditor), Erlinda J. Fernandez at Lanie M. Arquero (Public Relations Officers), Marnie L. Pacio, Elmo G. Orencia, at Yolanda A. Camizola (Business Managers), Arnold F. Serquiña, Maribel R. Dulay, at Carolyn E. Bordo (Sergeant at Arms).

Ang mga miyembro ng Board of Directors ay sina Adelfa S. Clemente, Rodolfo O. Mateo, Maricon C. Ramirez, Diana C. Rodillas, Cynthia G. Tolentino, Conchita A. Ayson, Minda G. Mendoza, Viola E. Yranon, Josie R. Fortez, Elvira F. Goltiao, Loida Q. Catuiza, at Maryglyn B. Serquiña habang ang mga Tagapayo naman ay sina Maxima C. Dotimas at Josefina D. Serquiña.

#PagpapatibayNgSerbisyo

#SNPBSAI#BusinessSector

#SanNicolasPublicMarket

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon