Bahagi ng regular na iskedyul ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang pagbisita sa mga paaralan upang masusing masuri ang mga proyekto at programang isinasagawa rito.

Isa sa mga paaralang kanyang pinuntahan kamakailan ay ang Malilion Elementary School, kung saan matagumpay na naipatayo ang 27.1 cubic meters na concrete pathway na pinondohan mula sa Special Education Fund ng lokal na pamahalaan.

Ang pagbisitang ito ay naging pagkakataon para makapanayam ni Mayor Alice ang mga guro at ang kanilang punong guro, si 𝙂𝙣𝙜. 𝘿𝙞𝙫𝙞𝙣𝙖 𝙂𝙧𝙖𝙘𝙞𝙖 𝙌. 𝘽𝙞𝙗𝙖𝙩, tungkol sa mga plano at pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral. Ipinahayag din ni Principal Bibat ang kanyang pasasalamat para sa suportang ibinigay ni Mayor Alice sa kanilang paaralan.

“Nawa’y ang daanang ito ay maging isang matibay na simbolo ng bawat pagsusumikap ng ating mga mag-aaral patungo sa kanilang mga minimithi,” wika ni Mayor Alice.

#MalilionElementarySchool

#ConcretePathway

#SpecialEducationFund

#AConcretePushForExcellence

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon