Masusing tinalakay at plinano ang mga hakbang upang masigurado ang matagumpay na implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Sustainability Plan sa San Nicolas sa isang mahalagang pagpupulong ng Municipal Advisory Council na pinangunahan nina Mayor Alicia Primicias-Enriquez at MSWD Officer Delia Dalutag.

Tinalakay rin ang ilan sa mga iminungkahing aktibidad para saFY 2025 gaya ng 4Ps Garden na layong mas palakasin ang kalusugan at kabuhayan ng mga benepisyaryo, pag-institutionalize ng Php 1,000.00 cash incentive para sa lahat ng graduating at exiting households, at ang paggamit ng Social Welfare and Development Indicators (SWDI) na economic sufficiency at social adequacy upang sukatin ang kalidad ng buhay ng bawat kabahayan.

Kasama rin sa napag-usapan ang 4Ps Pugay Tagumpay, mga plano para sa kabataan, kababaihan, at solo parents sa iba’t ibang buwan ng taon, at ang resulta ng SWDI para sa FY 2024 kung saan 642 kabahayan ang nasa self-sufficient level of well-being at kinakailangang magtapos mula sa programa.

Mula sa datos ng Municipal Social Welfare and Development Office, mayroong 1,756 aktibong benepisyaryo ng 4Ps sa bayan ng San Nicolas ang patuloy na tumatanggap ng tulong upang mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay.

#MunicipalAdvisoryCouncil#4PsImplementation#SustainabilityPlan#PlanningConference#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon