Bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon ng mga kababaihan sa lipunan, nakisaya sina Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas at Mayor Alicia Primicias-Enriquez sa Kababaihan Night 2025 sa Brgy. Dalumpinas.
Napuno ng sayawan, kantahan, at halakhakan ang buong gabi ng kasiyahan na dinaluhan din ng Sangguniang Bayan ng San Nicolas sa pangunguna ni Vice Mayor Alvin Bravo na nagpapakita lamang ng pagkakaisa at pagmamahalan ng bawat isa.
Labis na nagpapasalamat ang nasabing barangay na pinangungunahan ni PB Juanito Mendoza at Kababaihan Pres. Jovita Mendoza.
“Asahan po ninyo na ipagpapatuloy ko ang suporta sa inyong adhikain para mapabuti ang ating distrito. Dalangin ko sa bawat isa ang patuloy na pagmamahalan at pagbubuklod,” saad ni Cong. Marlyn.
Photo Credits: Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas Official Facebook Page
#KababaihanNight#BrgyDalumpinas#IkawPaRinCongMarlyn#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride