Bilang isang patunay sa kaniyang dedikasyon sa paglilingkod at pagmamahal sa mga mag-aaral ng ating bayan, patuloy na pinapaunlad ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang mga programang naglalayong isulong ang mga imprastruktura at kalidad ng edukasyon.

Isang halimbawa nito ay ang proyektong drainage canal sa San Felipe Integrated School, na naisakatuparan sa pamamagitan ng Special Education Fund na ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas.

Kasama ni Mayor Alice sa pag-inspeksyon ng proyekto ang mga guro at ang kanilang punong guro, si 𝑮. 𝘿𝙖𝙫𝙞𝙙 𝙑. 𝙋𝙪𝙧𝙪𝙜𝙖𝙣𝙖𝙣, kung saan nabigyan sila ng magandang pagkakataon para maipahayag ang kanilang pasasalamat sa walang sawa niyang pagmamahal at suporta sa kanilang mga mag-aaral.

Ayon kay Mayor Alice, “Mahalaga ang maayos na drainage system para makaiwas mula sa panganib ng pagbaha at mapanatili ang kalinisan sa loob ng paaralan.”

#SanFelipeIntegratedSchool

#DrainageCanalwithGratingCover

#FloodControlProject#ProtectingTheFutureOfLearners

#MayorAliciaPrimicasEnriquez

# MayorAliciaPrimicasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon