Sa pamumuno ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez, nagpulong ang Executive Committee ng San Nicolas Town Fiesta upang paghandaan ang Panagrambak 2025.

Tinalakay sa naturang pulong ang dalawang pangunahing isyu: ang pagsasaayos ng iskedyul ng mga aktibidad sa pista at ang mga panukalang badyet at alokasyon para sa bawat kaganapan.

Binigyang-diin ni Mayor Alice ang kahalagahan ng pagtutulungan at kooperasyon sa pagitan ng iba’t ibang sangay at mga miyembro ng komite.

“Ibigay natin ang pinakamahusay na karanasan para sa ating mga kababayan upang matiyak na ang bawat tao ay mag-eenjoy at magkakaroon ng makabuluhan at masayang karanasan sa pagdiriwang ng pista ngayong taon,” saad ng alkalde.

Batay sa napag-usapan, ang mga aktibidad na aasahan ngayong Panagrambak 2025 ay Thanksgiving Day, DepEd and LGU Night, Grand Parade, Costume Parade, Band Exhibition, Street Dancing Showdown, Raffle Bonanza, Color Fun Run, Children’s Day, People’s Night, Drum and Lyre Competition, Barangay at SK Night, at Senior Citizens’ Day.

Dinaluhan ang pulong nina Vice Mayor Alvin Bravo, Municipal Councilors Leomar Saldivar, Queen Descargar, Pedrelito Bibat, at Jairus Thom Dulay, LGU Department Heads na sina Richard Rae Prestoza, Atty. Francis Ditol, Delia Dalutag, Shallom Gideon Balolong, at Atty. Charlene B. Lagua, at DepEd Representatives na sina PSDS Dr. Imelda S. Lazaro, PSDS Dr. Renato D. Umipig, Dr. Bartolome Carrera, Dr. Domingo Dismaya II, Jayson L. Luarca, at Jasmine Yee Soriano, at si Ptr. Danny Caranto.

#ExecutiveCommitteeMeeting#Panagrambak2025#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon