Dala ng kalumaan at kasiraan, idagdag pa ang nakaambang panganib na dulot ng school stage, minabuti ng San Antonio West Elementary School (SAWES) na hingin ang tulong ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.

Hindi naman nag-atubili si Mayor Alice na paglaanan ng pondo ang nasabing paaralan mula sa Municipal Development Fund upang maisaayos at magkaroon ng bagong mukha at bihis ang school stage na magagamit nila sa kanilang school programs at activities.

β€œNagbabakbak na β€˜yung lumang stage at hindi na rin ito angkop sa multi-purpose hall. Nasa 52.04 metro kuwadrado ang bagong stage kung kaya’t napakalaking tulong nito sa amin sa dami ng mga aktibidad na idinaraos sa paaralan,” saad ni Dante Ortiz, ulong guro ng SAWES.

Senigundahan naman ito ni Mayor Alice na nagsagawa ng kaukulang inspeksiyon sa paaralan bago inaprubahan ang nasabing proyekto.

β€œNais nating maibigay ang pinakakailangan ng mga paaralan kaya’t nang makita ko ang kalagayan ng kanilang school stage, agad nating sinimulan ang proyekto at nakatutuwang makita na tapos na ito at napakikinabangan na,” pahayag ng alkalde.

#SchoolStage#SanAntonioWestElementarySchool#FromDelapidatedToAnImprovedSchoolStage#SupportToEducationSector#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon