Pormal nang nagsimula ang selebrasyon ng Panagrambak 2025 sa pamamagitan ng pagdaraos ng Thanksgiving Mass at Religious Day na nagbigay-diin sa pagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang natanggap ng bayan at sa pag-aalay ng panalangin para sa pagkakaisa at kapayapaan.

Pinangunahan ni ๐™๐™š๐™ซ. ๐™๐™–๐™ฉ๐™๐™š๐™ง ๐™๐™–๐™ง๐™ก๐™š๐™ฎ ๐˜ฝ. ๐˜พ๐™–๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™ค ang banal na misa na idinaos sa San Nicolas de Tolentino Parish habang nagsilbing Guest Speaker naman si ๐™๐™š๐™ซ. ๐˜ฟ๐™ง. ๐˜ฟ๐™–๐™ฃ๐™ฃ๐™ฎ ๐˜พ๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™ค sa Religious Day na ginanap sa Municipal Auditorium.

Sa pagbabahagi ni Rev. Caranto, ipinaliwanag niya ang mayamang kasaysayan ng bayan ng San Nicolas sa pamamagitan ng isang graphic journey at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa na nagbibigay ng lakas at katatagan,pagtutulungan at pakikipagtulungan, pagkakaiba-iba at inklusyon, panlipunang pagkakaisa, pagsulong ng ekonomiya, at inspirasyon at pag-uudyok-bayanihan.

Binalikan naman ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez kung paano palaging sinasamahan ng Panginoon ang San Nicolas at ang mga San Nicolanian sa kabila ng mga pagsubok at siya’y nagpapasalamat na nalampasan ng bayan ang mga ito.

Aniya, ito ang nagbigay sa kaniya ng lakas upang pamunuan ang bayan nang may pagmamahal at panalangin, at laging iniisip ang iba’t-ibang paraan upang mapabuti ang buhay ng mga residenteng San Nicolas sa tulong ng Poong Lumikha.

โ€œDahil sa pagmamahalan natin sa isa’t isa at sa Panginoon, kahit na magkakaiba ang kultura, relihiyon, at henerasyon, patuloy na umuunlad at lumalago ang San Nicolas,โ€ saad ng alkalde.

#ThanksgivingMass#ReligiousDay#Panagrambak2025#UnityInDiversity#HappyFiestaSanNicolas#HonoringGenerations#CulturesAndTraditions#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon