Muling nagningning sa kasiyahan at kulay ang bayan ng San Nicolas nang ginanap ang Grand Parade ng Panagrambak 2025.

Napuno ng mga sari-saring disenyo ng makukulay na float at costumes, nakaaaliw na drum and lyre corps ng iba’t ibang paaralan, at masisiglang street dancers na nagpaindak at pumukaw sa mga manonood dahil sa pagpapakita ng mayamang kasaysayan, kultura, at tradisyon ng mga San Nicolanian.

Humanga si Mayor Alicia Primicias-Enriquez dahil iba’t ibang henerasyon ng San Nicolanians ang nagsama-sama upang ipagdiwang ang Panagrambak 2025.

“Masaya ang puso ko dahil ang pagdiriwang na ito ay naging simbolo ng pagkakaisa at paggalang sa mga pinagmulan ng ating bayan. Ibinuhos ng lahat ng kanilang enerhiya at sigla sa makasaysayang araw na ito,” saad ng alkalde.

Pinangunahan nina Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas, Mayor Alicia Primicias-Enriquez, Vice Mayor Alvin Bravo, at ang Sangguniang Bayan San Nicolas ang mga residente mula sa iba’t ibang sektor na nagtipon-tipon upang ipagdiwang ang yaman ng bayan.

Ang Grand Parade ng Panagrambak 2025 ay isang patunay ng pagmamahal ng mga San Nicolanian sa kanilang kultura at tradisyon sa pamamagitan ng isang makulay na selebrasyon na nagpapakita ng pagkakaisa, paggalang, at pagpapahalaga sa yaman ng bayan ng San Nicolas.

#GrandParade#ParadeOfColors#UnityInDiversity#HappyFiestaSanNicolas#HonoringGenerations#CulturesAndTraditions#SanNicolasTownFiesta2025#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon