Mula sa inisyatibo nina Mayor Alicia Primicias-Enriquez at Municipal Councilor Atty. Francisco “Kiko” Bravo Jr., magsasagawa ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ng isang Libreng Serbisyong Legal at Notaryo sa Marso 8, Sabado, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Narito ang mga serbisyong legal na inaalok: (1) libreng pagpapanotaryo para sa mga simpleng affidavit tulad ng, ngunit hindi limitado sa, Affidavit of Loss, Joint Affidavit of Two Disinterested Persons, Affidavit of Legitimation, at Affidavit of Solo Parent at (2) libreng konsultasyon sa abogasya.

Inaanyayahan ang lahat na magparehistro nang maaga dahil ipatutupad ang first-come, first-served policy. Para sa mga nagnanais magparehistro nang walk-in, maaari kayong pumunta sa San Nicolas Legislative Building.

Maaari rin kayong magparehistro sa pamamagitan ng pagpapadala ng inyong buong pangalan at address sa Sangguniang Bayan Hotline na 09956652464. Ang panahon ng pagpaparehistro ay magsisimula ngayong araw, Marso 6.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito na magkaroon ng libreng serbisyong legal at notaryal!

#SanNicolasFreeLegalAid#LegalServices2025#LegalMission#NotaryServices#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon