Nagningning ang Panagrambak 2025 sa tagumpay ng Street Dancing Showdown, isang malaking patimpalak na ginanap upang ipakita ang natatanging talento at pagsusumikap ng mga kabataan sa pagsasayaw at pagtatanghal.

Ngayong taon, itinanghal na 𝐂𝐡𝐚𝐦𝐩𝐢𝐨𝐧 ang 𝐒𝐚𝐧 𝐑𝐚𝐟𝐚𝐞𝐥 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 matapos magpakitang-gilas sa kanilang mga malikhaing galaw at kasuotan. Ang kanilang pagtatanghal ay tunay na nagbigay-buhay sa entablado at umani ng papuri mula sa mga hurado at manonood.

Sa kabila ng matinding kompetisyon, ang 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐬 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 ay nagpakita rin ng kahusayan at nakuha ang titulo bilang 𝟏𝐬𝐭 𝐑𝐮𝐧𝐧𝐞𝐫-𝐔𝐩. Ang kanilang pagtatanghal ay puno ng enerhiya at husay sa pagsasayaw, na naging dahilan upang sila’y mapansin ng mga hurado.

Hindi rin nagpahuli ang 𝐂𝐚𝐜𝐚𝐛𝐮𝐠𝐚𝐨𝐚𝐧 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 na nagtapos bilang 𝟐𝐧𝐝 𝐑𝐮𝐧𝐧𝐞𝐫-𝐔𝐩. Ang kanilang pagtatanghal ay nagpakita ng disiplina at sining, na nagbigay-daan upang kanilang makuha ang mataas na ranggo sa patimpalak.

Nagpaabot naman ng pagbati at paghanga si Mayor Alicia Primicias-Enriquez dahil maging siya’y tuwang-tuwa at hangang-hanga sa ipinakitang husay at galing ng mga kabataang San Nicolanian.

#StreetDancingShowdown#Panagrambak2025#SanNicolasTownFiesta2025#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon