Matapos ipagkaloob ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang mas maayos na barangay hall sa Brgy. Fianza, nagpaabot ng pasasalamat ang mga residente ng nasabing barangay sa pangunguna ni π™‹π˜½ π™‡π™–π™˜π™¨π™€π™£ 𝘾. π™‡π™–π™œπ™ͺπ™žπ™©π™–π™€.

β€œTuloy-tuloy ang mga proyektong imprΓ‘estruktΓΊra sa aming barangay dahil kay Mayor Alice. Bagamat malayo kami, ramdam naming malapit sa amin ang pamahalaang lokal ng San Nicolas. Si Mayor Alice ang patunay na kapag tunay na nagsisilbi ang isang lider, marami ang makikinabang na mga residente,” ani PB Laguitao.

Ang bagong pΓ‘nayamΓ‘n na may lawak na 95.2 metro kuwadrado ay inaasahang magiging sentro ng mga aktibidad at serbisyong pang-komunidad sa Brgy. Fianza at magbibigay-daan para sa mas maayos na pamamahala at koordinasyon ng mga programa at proyekto ng barangay.

Ayon kay Mayor Alicia Primicias-Enriquez, ” Bukod sa pagbibigay ng mas komportableng lugar para sa mga opisyal ng barangay at mga mamamayan, magiging pangunahing tanggapan din ito para sa pag-aayos ng mga dokumento, pagpupulong, at iba pang mga mahalagang aktibidad.”

Ang proyekto na ito ay isang patunay ng pagsusumikap ni Mayor Alice na maghatid ng maayos at epektibong serbisyo sa mga kababayan. Inaasahang mas magpapatibay ang ugnayan at pagkakaisa ng mga mamamayan, habang patuloy na isinusulong ang kaunlaran ng bayan.

#BarangayHall#BrgyFianza#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon