Ipinakita ng ating mga lolo at lolang San Nicolanian na hindi hadlang ang edad upang magtaglay ng kagandahan at kasiyahan sa buhay nang sila’y magpasiklaban sa Guwapong Lolo at Gandang Lola 2025.
Napuno ng kagalakan at tawanan ang Senior Citizens’ Day ng Panagrambak 2025 na nagbigay pugay sa mga masisiglang senior citizen ng San Nicolas kung saan nagsilibing guest speaker si Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas.
Dahil sa kaniyang angking kapogian at karisma, itinanghal na Guwapong Lolo 2025 si Lolo 𝙈𝙧. 𝙅𝙖𝙞𝙢𝙚 𝙇𝙖𝙙𝙞𝙣𝙚𝙨 ng San Rafael District habang nagsabog naman ng kagandahan si Gandang Lola 2025 𝙈𝙧𝙨. 𝙂𝙤𝙧𝙜𝙤𝙣𝙞𝙖 𝙈𝙚𝙟𝙞𝙖 ng Sta3CMana labis na hinangaan dahil sa kaniyang natural na ganda, napakahusay na talento at pananamit.
Nakisaya rin ang 2024 pageant winners sa pangunguna nina Mr. Senior Citizen 2024 𝙈𝙧. 𝙑𝙞𝙘𝙩𝙤𝙧 𝙍𝙤𝙙𝙧𝙞𝙜𝙤 at Mrs. Senior Citizen 2024 𝙈𝙧𝙨. 𝙍𝙪𝙛𝙞𝙣𝙖 𝙒𝙞𝙨𝙚 kung saan nagniningning na tila mga tunay na bituin sa entablado ang mga natatanging senior citizen na naging inspirasyon ng marami dahil sa kanilang walang kupas na kariktan at pagiging magiliw sa kapuwa.
Binigyang parangal din ng Federation of the Senior Citizens of the Philippines-San Nicolas Chapter si 𝙎𝙞𝙧 𝙁𝙚𝙧𝙣𝙖𝙣𝙙𝙤 𝘽. 𝙎𝙖𝙣𝙘𝙝𝙚𝙯 sa kaniyang natatanging kontribusyon sa bayan bilang isang manunulat.
“Nakatutuwang makita ang ating mga minamahal na lolo’t lola na game na game pa rin sa ating patimpalak. Totoong espesyal ang araw na ito para sa akin dahil higit kaninuman, labis kong minamahal ang mga senior citizen nating kailian. Bilang bahagi ng ating programa, nagpa-raffle tayo sa kanila’t sumali sa masayang sayawan at kantahan,” masayang saad ni Mayor Alice.
#SeniorCitizensDay#Panagrambak2025#UnityInDiversity#HappyFiestaSanNicolas#HonoringGenerations#CulturesAndTraditions#SanNicolasTownFiesta2025#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride