Bagamat maraming tungkulin ang ginagampanan ni Mayor Alice para sa ating bayan, hindi nagbabago at patuloy na nag-aalab ang kaniyang pagmamalasakit at pagmamahal sa kaniyang mga kababayang may karamdaman at kapansanan.
Sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman at kasanayan bilang doktor, nurse, at pharmacist, patuloy niyang inihahatid ang mga libreng serbisyong medikal sa bawat pasyenteng nangangailangan ng pagkalinga at pag-aaruga.
Kamakailan, binisita niya ang labindalawang pasyente, kung saan personal niyang sinuri ang kanilang mga kondisyon upang maibigay ang angkop na gamot para sa kanilang mga karamdaman.
Bukod sa libreng konsultasyon at gamot, namigay rin si Mayor Alice ng mga kagamitang pantulong at medical supplies gaya ng wheelchairs, single canes, crutches, at egg mattresses na makatutulong upang mabawasan ang kanilang paghihirap dulot ng mga sakit na nakaaapekto sa kanilang kakayahang makagalaw.
Ang mga serbisyong medikal na ito ay patunay ng pagmamahal at pagpapahalaga ni Mayor Alice sa mga San Nicolanian na patuloy na nagbibigay inspirasyon at nagsisilbing puwersa upang higit pang paunlarin ang mga medikal na serbisyong inihahatid ng lokal na pamahalaan sa ating mga kababayang San Nicolanian.
#DistributionOfAssistiveDevices
#HealthCareServicesDeliveredToYourDoors
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride