Inaanyayahan po namin ang lahat ng ating mga kailian na may kakayahang mag-donate ng dugo na makilahok sa ating isasagawang Bloodletting Activity sa darating na Miyerkules, Marso 19, 2025. Gaganapin ito mula 8:00 a.m. hanggang 2:00 p.m. sa ating Municipal Gymnasium.

Bilang pasasalamat sa inyong kabayanihan, ang bawat matagumpay na donor ay tatanggap ng limang kilo ng bigas.

Hinihikayat namin kayo na isama ang inyong mga kaibigan at pamilya upang sabay-sabay tayong magkaisa at magkapit-bisig para tumulong. Tandaan, sa bawat patak ng inyong dugo, may buhay na maaaring madugtungan at maisalba.

Ang programang ito ay hatid ng ating lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Office at Pangasinan Provincial Hospital. Sama-sama nating gawing matagumpay ang misyong ito para sa ating kapwa!

~๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐€๐ฅ๐ข๐œ๐ข๐š ๐‹. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฌ-๐„๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐ž๐ณ

#GiveBlood#KeepTheWorldBeating#SaveLivesDonateBlood#BloodLetttingActivity2025#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *