Muling naghatid ng pagkalinga at pagmamahal ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa mga nangangailangang mamamayan ng San Nicolas sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal upang maibsan ang kanilang mga gastusing medikal at pampalibing.

Sa ginanap na distribusyon, 320 benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong pinansyal na may kabuuang halaga na Php 642,000.00. Sa medical assistance, 272 na indibiduwal ang pinagkalooban, samantalang 48 naman para sa burial assistance.

Sa kaniyang mensahe sa mga benepisyaryo, sinabi ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez, “Nawa’y ang munting halagang ito ay makatulong na mapagaan ang inyong mga pasanin, mapa-medikal man o pampalibing. Tandaan po natin, ang Diyos ang ating sandigan sa bawat pagsubok na ating hinaharap, kaya’t ugaliin nating manalangin at magpasalamat para sa mga biyayang ating natatanggap.”

Sa mga kailian na nais humingi ng pinansyal na tulong, magtungo lang sa opisina ni Mayor Alice mula Lunes hanggang Biyernes.

#ReleasingOfFinancialAssistance

#TulongMedikal#TulongPampalibing

#TulongPinansyalParaSanNicolanians

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *