Bilang pagsuporta sa Pangasinan Green Canopy Program ng Pamahalaang Panlalawigan, nagsama-sama ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Department of Environment and Natural Resources, at Local Government Unit of San Nicolas sa pangunguna ni Mayor Alicia L. Primicias-Enriquez sa isinagawang tree planting activity sa Villa Verde Trail.

Ang naturang programa na ginanap nito lamang Hunyo 29 ay isang kampanya para sa kamalayan at pangangalaga sa kapaligiran na dinisenyo upang itaguyod ang pagpapanatili ng kapaligiran at labanan ang pagbabago ng klima sa pamamagitan ng malawakang pakikilahok ng komunidad sa mga aktibidad tulad ng pagtatanim ng puno.

Sa isang liham na ipinadala ng Provincial Population, Cooperative and Livelihood Development Office kay Mayor Alice, binigyang-diin na sa pamamagitan ng pagtutulungan upang magtanim ng mas maraming puno, maaari itong makatulong sa paglikha ng isang mas malusog, mas matatag na kapaligiran para sa buong komunidad at probinsya.

β€œIisa lang ang ating mundo kaya pangalagaan natin ito habang mayroon pa tayong panahon at pagkakataon. Kaya patuloy nating susuportahan ang programang pangkalikasang ito ni Gov. Ramon V. Guico III upang maisulong ang mas malusog na ecosystem,” saad ni Mayor Alice.

Nagbigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng mga punla habang ang paghahanda sa lugar, pagtatanim, pagpaparami at pag-aalaga ay sa pakikipagtulungan na ng LGU San Nicolas sa iba’t ibang opisina kasama na ang Sangguniang Bayan, environmental advocates at volunteers, at ang Guardians sa pangunguna ni G. Winefredo Langcaon.

#PangasinanGreenCanopyProgram#ProvinceOfPangasinan#LocalGovernmentUnitOfSanNicolas#SangguniangBayanNgSanNicolas#PNPSanNicolas#BFPSanNicolas#DENR#Guardians#TreePlantingActivity#ThankYouGovRamonGuicoIII#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon