Ano ang pumipigil sa atin upang magtiwala nang buo sa Diyos? May mga pagkakataon ba na hinayaan nating mas madala tayo ng takot o pag-aalinlangan kaysa sa pananampalataya?

Sa ating pagbabalik-loob ngayong Semana Santa, ating pag-isipan kung paano tayo magiging buhay na patotoo ng pag-ibig ng Diyos. Tularan natin ang Kaniyang halimbawa sa pagmamalasakit sa iba, lalo na sa mga nangangailangan. Ang buhay na ibinigay Niya para sa atin ay isang paanyaya na ialay din ang ating sarili sa Kaniyang layuninโ€”ang maging tagapaghatid ng Kaniyang pagmamahal at liwanag sa mundo.

Tunay ngang, kung ang Diyos ay nasa ating panig, tayoโ€™y hindi magagapi. Ito ay paalala na may Diyos na nasa sentro ng ating laban. Manalig tayo. Magtiwala tayo. At magpatuloy tayo sa Kaniyang liwanag.

Nawa’y maging makabuluhan ang ating pagninilay ngayong Mahal na Araw.

#HolyMonday#HolyWeek2025#SemanaSanta#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed