Ngayong Biyernes Santo, tayo’y inaanyayahang magmuni-muni sa dakilang sakripisyong ginawa ng ating Panginoong Hesu-Kristo sa krus. Ang Pitong Huling Salita ni Jesus ay nagbibigay sa atin ng mas malalim na pag-unawa sa Kaniyang pagdurusa, pagmamahal, at pananampalataya habang Kaniyang pinapasan ang kasalanan ng sangkatauhan.
Sa pamamagitan ng Kaniyang mga salitang ito, nakita natin ang mapagpatawad Niyang puso, ang pagkalinga sa kapwa, ang Kaniyang lubos na pagtitiwala sa Ama, at ang ganap na katuparan ng misyon Niya sa lupa.
“๐๐ฆ๐, ๐ฉ๐๐ญ๐๐ฐ๐๐ซ๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐, ๐ฌ๐๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ญ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐ข๐ฅ๐ ๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐.โ (๐๐ฎ๐๐๐ฌ ๐๐:๐๐)
Sa mga salitang ito, itinatampok ni Jesus ang kapatawaran bilang daan tungo sa kalayaan mula sa kasalanan. Ang pagpapatawad Niya sa Kaniyang mga umuusig ay nagpapaalala sa atin na ang biyaya ng Diyos ay sapat upang gawing buo muli ang ating nasirang ugnayan sa Kaniya.
“๐๐๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐๐ง๐๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ง๐๐ฌ๐๐๐ข ๐ค๐จ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฒ๐จ, ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง ๐ข๐ค๐๐ฐ ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ค๐๐ค๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ค๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐จ.” (๐๐ฎ๐๐๐ฌ ๐๐:๐๐)
Ang pangakong ito ni Jesus sa nagsisising magnanakaw ay nagpapakita ng Kaniyang awa at pagkakaloob ng kaligtasan sa sino mang magpapakumbaba at maniniwala. Binubuksan Niya ang pintuan ng kalangitan para sa atin, kahit sa pinakamadilim na sandali ng ating buhay.
“๐๐๐๐๐, ๐ง๐๐ซ๐ข๐ญ๐จ, ๐๐ง๐ ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ง๐๐ค!โฆ ๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐จ, ๐๐ง๐ ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ข๐ง๐!” (๐๐ฎ๐๐ง ๐๐:๐๐-๐๐)
Sa paanan ng krus, inilaan ni Jesus si Maria bilang ina hindi lamang ng Kaniyang minamahal na alagad, kundi ng lahat ng mananampalataya. Pinapaalala Niyang sa gitna ng ating pagdurusa, ang ating pamilya at ang pananampalataya ang magiging tanggulan ng ating lakas.
“๐๐ฅ๐ข, ๐๐ฅ๐ข, ๐ฅ๐๐ฆ๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐ญ๐ก๐๐ง๐ข?” (๐๐๐ญ๐๐จ ๐๐:๐๐)
Sa mga salitang ito, narinig natin ang lalim ng Kaniyang pagdurusa, ngunit ito rin ay patunay ng Kaniyang pag-asa sa Diyos Ama. Ang sigaw na ito ay hindi pagsuko, kundi pananalig sa gitna ng pinakamatinding pagsubok.
“๐๐๐ฎ๐ฎ๐ก๐๐ฐ ๐๐ค๐จ!” (๐๐ฎ๐๐ง ๐๐:๐๐)
Ipinahayag ni Jesus hindi lamang ang Kaniyang pisikal na uhaw, kundi ang Kaniyang banal na pagkauhaw para sa pagmamahal ng tao. Ang Kaniyang pananabik na tayoโy magbalik-loob sa Kaniya ay masidhing nakikita dito.
“๐๐๐ ๐๐ง๐๐ฉ ๐ง๐.” (๐๐ฎ๐๐ง ๐๐:๐๐)
Sa pamamagitan ng Kaniyang ganap na pagsunod, natapos na ang gawain ng kaligtasan. Ang galit ng Diyos sa kasalanan ay napawi, at tayoโy natubos ng Kaniyang dugo.
“๐๐ฆ๐, ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐ฆ๐๐ฒ ๐ฆ๐จโ๐ฒ ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ญ๐ข๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐ค๐จ ๐๐ง๐ ๐๐ค๐ข๐ง๐ ๐๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐ข๐ญ๐ฎ!” (๐๐ฎ๐๐๐ฌ ๐๐:๐๐)
Ang ganap na pagtitiwala Niya sa Ama ay nagsilbing halimbawa sa atinโupang sa bawat pagsubok, ipagkatiwala natin ang ating buhay sa Diyos.
Ngayong Biyernes Santo, magnilay tayo sa mga salitang ito at hayaan itong maging gabay sa ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng krus, tayoโy binigyan ng bagong buhay. Manalangin, magbalik-loob, at damhin ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa atin.







#GoodFriday#SemanaSanta#HolyWeek2025#SevenLastWordsOfJesus
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride