Sobra po akong nalulugod sa higpit ng yakap ng ating mga kababayan bilang pasasalamat sa mga hatid nating tulong sa kanila lalo na kung ako ay bumibisita sa ating mga kababayang may sakit at may kapansanan. Kaya bagama’t marami tayong inaasikaso bilang alkalde ng ating bayan ay binibigyan ko ito parati ng panahon para makita natin ng personal at makadaupang palad ang ating mga kababayang may mga sakit at kapansanan.

Sa pagbisita ko pong ito ay napuntahan natin ang ating mga kababayan sa Barangays Cacabugaoan, Calaocan Cabitnongan at Poblacion East.

Maraming salamat po sa inyong mga yakap at pagmamahal. Ikinalulugod ko po na kayo ay patuloy na mapaglingkuran. β˜ΊοΈβ€οΈπŸ™πŸ«°

~πŒπ€π˜πŽπ‘ π€π‹πˆπ‚πˆπ€ 𝐋. ππ‘πˆπŒπˆπ‚πˆπ€π’-π„ππ‘πˆππ”π„π™

#ContinuingVisitToTheElderlyAndPWDs

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon