Mula sa 12,866 arrivals noong nakaraang taon, pumalo sa 41,785 o 224.70% increase ang mga bisitang dumagsa sa tatlong kilalang tourist destinations sa bayan ng San Nicolasโ€”ang Agpay Eco Park, Puyao River Picnic Grounds, at Malico, ang Little Baguio ng Pangasinan, ayon sa datos ng Municipal Tourism, Culture, and Arts Office

Mula April 13-20, pinakadinagsa ang Puyao Picnic Grounds na nakapagtala ng 23,731 na bisita habang 12,698 at 5,356 naman ang bumisita sa Malico at Agpay Eco Park, ayon sa pagkakasunod-sunod.

May mga bisitang dumayo mula pa sa Laguna, Manila, Pampanga, Isabela, Nueva Ecija, Baguio, Nueva Vizcaya, at mga karatig-bayan sa Pangasinan.

Ikinatuwa naman ito ni Mayor Alicia Primicias-Enriquezdahil marami ang mga San Nicolanian na nabigyan ng oportunidad upang mas maiangat pa ang kanilang pangkabuhayan dahil sa paglago ng turismo.

โ€œSalamat sa Panginoong Diyos sa mga biyayang ito. Dinarayo na tayo ng mga turista dahil nasaksihan nila mismo ang tunay na ganda ng ating bayan. Ngunit huwag sana nating kalilimutan na bukod sa ating tourist destinations, tayong San Nicolanians ang dahilan bakit sila bumabalik kayaโ€™t ipadama natin ang ating warm hospitality sa kanila anumang panahon,โ€ saad ni Mayor Alice.

#WowPuyao#FeelTheAweInMalico#SayHiToAgpag#VisitorArrivals#SanNicolasTouristDestinations#SeeSanNicolas#SeePangasinan#LoveThePhilippines#AgpayEcoPark#MalicoTheLittleBaguioOfPangasinan#PuyaoRiverPicnicGrounds#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed