Mula sa dating lubak-lubak at mabatong kalsada, ramdam na ngayon ng mga motorista at residente ang malaking pagbabago sa kanilang paglalakbay dahil sa pagkaka-konkreto ng access road sa Brgy. Salingcob.

Ang pagpapabuti sa kalsadang ito, na may habang 55 metro at lapad na 3 metro, ay patunay ng mahusay na koordinasyon at epektibong pamamahala ng lokal na pamahalaan kasama ang barangay council na pinangungunahan ni π™‹π˜½ π™‰π™€π™šπ™‘ π™Šπ™§π™©π™žπ™œπ™ͺπ™šπ™§π™€.

Kamakailan, binisita ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang nasabing proyekto upang kumustahin ang kasalukuyang kalagayan ng mga residente ng barangay. Nagkaroon din ito ng pagkakataon para maiparating ni PB Ortiguero ang taos-pusong pasasalamat ng kanyang mga kabarangay sa proyekto.

Para sa kaalaman ng lahat, ang mga materyales na ginamit sa konstruksyon ay nagmula sa ibinahaging barangay subsidy ng pamahalaang lokal. Kabilang dito ang: 185 sako ng semento, 4 toneladang backfilling, 6 toneladang buhangin, at 10 toneladang graba.

#AccessRoadSalingcob

#PagpapaunladNgKalsada

#SalingcobRoadImprovement

#BarangaySalingcob

#KaunlaranSaBarangay

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *