Bagong bihis ang multi-purpose hall ng Sapinit Elementary School.

Ito ay matapos maglaan ng pondo ang pamahalaang lokal ng San Nicolas upang mas mapalaki at mapalitan ang buong bubong at trusses nito.

Tinatayang nasa 154 metro kuwadrado ang proyekto na inaasahang makatutulong sa lumalaking bilang ng mga estudyante sa nasabing paaralan.

โ€œTuwing may aktibidad sa kanilang paaralan, nagtitiis ang mga bata sa tirik ng araw. Sadyang maliit ang kanilang multi-purpose hall kaya sinikap nating maglaan ng pondo at ipadama sa mga batang ito ang pagmamahal at suporta ng LGU San Nicolas,โ€ ani Mayor Alice.

Ayon pa sa alkalde, sa pangalawang bahagi ng proyektong ito, magkakaroon din ng pavement ang nasabing hall upang kahit umulan o umaraw ay makapagdadaos pa rin ang nasabing paaralan ng kanilang mga aktibidad.

Ang Sapinit Elementary School ay isa lamang sa mahigit 40 paaralan sa San Nicolas na pinagkalooban ng proyektong imprastruktura ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.

#ImprovementOfMultiPurposeHall#Roofing#Trusses#ParaSaBata#ParaSaBayan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon