Malugod kong ibinabalita ang matagumpay na pagpapagawa ng perimeter fence sa Sobol Elementary School tungo sa isang mas ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral.

Sa huling yugto ng proyektong ito, naitayo ang 62.10 sq. m. na konkretong pader na may steel matting sa paligid ng eskuwelahanโ€”isang istrukturang magbibigay proteksyon at magsisilbing sagisag ng ating pangako sa kinabukasan ng kabataan.

Sa pagbisita ko kasama ang mga guro, sinuri namin ang nasabing proyekto at nagkaroon ng pagkakataong talakayin ang kalagayan ng mga estudyante. Lubos kong ikinatuwa na ang proyektong ito ay naging instrumento para mapabuti ang kanilang kapakanan. Ayon kay Gng. Rio Camilosa Jandoc, punong guro ng Sobol Elementary School, ang itinayong istruktura ay isang mahalagang kasangkapan na naglilingkod bilang proteksyon parang bawat mag-aaral anumang panahon.

Ako ay nagpapasalamat sa pamunuan ng eskuwelahan at sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang layuning ito. Ang suporta na ito mula sa lokal na pamahalaan ng San Nicolas ay patunay ng walang kondisyong pagmamahal para sa ating mga mag-aaral. Sama-sama nating itinaguyod ang proyektong ito para sa mas maliwanag na hinaharap ng kabataan ng Sobol Elementary School.

~๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐€๐ฅ๐ข๐œ๐ข๐š ๐‹. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฌ-๐„๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐ž๐ณ

#PaderNgPagAsa

#SobolElementarySchool

#ProteksyonParaSaKinabukasan

#LigtasNaPaaralan

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed