Ang ating pamahalaang lokal ay patuloy na nagsusumikap upang tiyakin na ang ating mga anak ay nag-aaral sa maaliwalas, ligtas, at angkop na mga pasilidad. Kaya naman, ikinagagalak kong ibalita ang matagumpay na renobasyon ng kisame at floor tiles sa Yellow Bell Child Development Center sa ilalim ng Special Education Fund.

Naniniwala ako na ang maayos at โ€˜conduciveโ€™ na kapaligiran sa pag-aaral ay mahalaga sa paghubog ng mga pangarap ng ating mga mag-aaral. Ang proyektong ito, na may lawak na 68 metro kuwadrado, ay magbibigay ng mas komportableng learning space para sa mas epektibong pagkatuto ng ating mga anak.

Nagpapasalamat ako sa mga magulang at pamunuan ng center, sa pangunguna ni ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐ ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ ๐๐ž๐ซ๐ง๐ข๐ž ๐Œ. ๐‚๐จ๐ซ๐ฉ๐ฎ๐ณ, sa kanilang dedikasyon sa pagtataguyod ng mas magandang edukasyon para sa mga batang San Nicolanians.

Kailian, makaaasa po kayong patuloy nating itataguyod ang isang mas maliwanag na hinaharap para sa ating mga batang San Nicolanian. Gamit ang maayos na pasilidad at dekalidad na edukasyon, mas titibay ang pundasyon ng kanilang kinabukasan. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagsisikap para sa mas magandang San Nicolas!

~๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐€๐ฅ๐ข๐œ๐ข๐š ๐‹. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฌ-๐„๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐ž๐ณ

#YellowBellChildDevelopmentCenter#InstallationOfCeilingAndFloorTiles#SpecialEducationFund#ImprovementOfLearningSpaces#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed