Malapit na ngang maipatayo ang inaasam na multi-purpose hall ng San Rafael National High School matapos itong inspeksyunin ni Mayor Alice nitong Mayo lamang.

β€œNalaman natin na nakikihiram lang ang high school mula sa gymnasium ng elementary tuwing may school programs kung kaya’t gumawa tayo ng paraan upang kahit papaano’y maibigay na ang kanilang minimithing school stage,” pahayag ng alkalde.

Mula sa maliit na espasyo ng nasabing paaralan, natukoy ang pinaka-accessible na lugar na pagpapatayuan ng school stage at nakapagsagawa ng soil test kung kaya’t agad na sinimulan ang proyekto.

Bumungad naman kay Mayor Alice ang abot-tengang ngiti ng mga guro ng nasabing paaralan dahil dininig ng alkalde ang matagal na nilang panalangin.

Kamakailan, tumulong din ang pamahalaang lokal ng San Nicolas para sa pagpapakonekta ng nasabing paaralan sa San Nicolas Water District upang magkaroon ito ng sapat na suplay ng malinis na tubig.

#SchoolStage#WaterSupply#SanRafaelNationalHighSchool#SupportToEducationSector

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourpublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon